Can’t wait…

Can’t wait…

Imma pop these babies on the night of April 25!

Imma pop these babies on the night of April 25!

Sa Mata ng isang Probinsyano.

Isa sa mga matitinding natutunan ko noon sa buhay ay ang mga katagang “LOOK BUSY!” (aka busy busyhan). Ito ay isa sigurong dakilang aral na kinailangan naming gawin upang di mautusan o di mapagalitan. Para bang ito ay nagpapasimple ng buhay. Sabagay meron namang kasabihang “Simple lang ang buhay, wag na gawing kumplikado”. Di ko lang maalala kung sino nagsabi. Baka imahinasyon ko lang yun at ako rin siguro nagsabi nun. ewan.

Ang konsepto ng “LOOK BUSY” ay nakatatak na sa kasaysayan ng mundo. Isa itong ebolusyon ng “PLAY DEAD” na nakasanayan ng mga sinaunang tao sa mga panahong mapaharap sila sa mababangis na hayop na alam nilang di nila magagawang gapiin. Siguro parang ganun lang yun. Teorya ko lang yun.

*MGA PROMINENTENG PILIPINO NA GUMAMIT NG KONSEPTO NG LOOK BUSY*

1.) Jose Rizal - Ang ating pambansang bayani. Marahil ang kanyang mga sulatin ay isang malaking epekto ng look busy. Kung titingnan nyo e puro pagsusulat lang ginawa nya. Di niya na piniling labanan ng sabayan ang mga kastila noon kapareho ng ginawa ni Andres Bonifacio dahil gusto nyang simple lang ang buhay nya.

2.) Juan Luna - kapatid ni Heneral Antonio Luna. Siguro nagkaroon ng panahon na hinikayat ni Antonio si Juan na tulungan sa giyera laban sa mga kastila. Pero si Juan ay ayaw nang gawing kumlikado ang buhay nya at kinailangang gamitin ang konsepto ng look busy. Kaya ayun. imbis na tumulong sa digmaan ay ginawa nya na lang ang spoliarium.

3.) Gloria Macapagal Arroyo - dating presidente ng Pilipinas. Hindi ako yung taong mahilig sa pulitika ah. Pero medyo pansin ko lang nung sa katungkulan nya e marami siyang pilit na ginagawa pero halos walang nangyayari bagkus mas nadadagdagan mga corrupt. Ayun lang tingin ko. Isa siyang icon ng “LOOK BUSY”. Parang imbis na blind justice nangyari nun e justice is busy nung panahon nya.

Tatlo lang yan sa mga prominenteng Pilipino na gumamit ng konseptong iyon. Marami pa dyan. Kahit ngayon marami pa rin yan. Di man natin sila nakikita, naririnig o naamoy ay lagi pa rin natin silang nararamdaman.

*APLIKASYON SA PANG ARAW-ARAW NA BUHAY*

  • Surprise Recitation - humarap sa libro at magkunwari magbasa ng matindi at parang walang ibang tao sa paligid. Mas epektib kung iiwas ka sa paningin ng iyong guro.
  • Gawaing bahay - maligo ng matagal pagkatapos ay maghalungkat ng mga gamit sa kwarto. Palabasing ikaw ay nagsspring cleaning.
  • Basagan sa inuman - lock-unlock ng celphone o kaya magbalance inquiry para mukhang may katext kang matindi. mas epektib kung maluha luha mata mo. Kung di manhid mga kainuman mo e wala nang tanung tanong at ipapass ka na sa tagay.
  • Pagpasok sa klase - buksan ng computer. iopen ang MS Excel. Itype ang =randbetween (n,n) sa mga cells hanggang kaya mo. Palabasing sobrang busy ka sa thesis at di ka muna makakapasok. Kapag wala nang nakatingin e pindutin ang alt+tab para makapagfacebook o kaya yung iba naman ay porn.

*ARAL*

Pero ewan ko lang ba ngayon. Dati nagagawa ko ang mga nasa itaas ng walang kahirap hirap at 24/7 pa pero ngayon hindi na e. Mukhang tinatamad na ko gawin ang aking nakasanayan. Para bang sa sobrang tamad ko ay tinatamad na ako maging tamad. Ganun na siguro katindi.


Question: Saang math ang pinakamalupit?

sadiesmiles:

fifigabrielle:

malagkitnagalapong:

UP Baguio: Sa amin, may Power Rangers pa!

UP Manila: Math 17 namin, hell!

UPLB: Sus! ‘Yan lang ba? Sa UPLB kailangang itabi ang math building sa simbahan!

LB Swag. 

PANALO. HAHAHAHAHA

(Source: facebook.com)

188 notes


Minsan talaga ay di malalabanan ang katamaran.

Minsan talaga ay di malalabanan ang katamaran.


ang tunay na lalake ay may katawang hinubog ng beer at extra rice…

ang tunay na lalake ay may katawang hinubog ng beer at extra rice…

1 note

Envy is just a case of admiration gone sour.
Roderick Warner (via apt-17)

(Source: apt-17.com)

7 notes

Kung buhay man itong taong ito e baka di na nangyari yung lindol at tsunami.

Kung buhay man itong taong ito e baka di na nangyari yung lindol at tsunami.

46 notes